Sa ikalawang pagkakataon ay muling magsampa ng disqualification case ang Task Force Kontra Epal ng Commission on Elections (COMELEC) laban sa 18 mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Nabatid na mabigo ang mga nasabing mga kandidato na magpaliwanag at sagutin ang ipinadalang show cause order ng COMELEC sa kanila.
Ilan sa kanila ay lumabag sa Omnibus Election Code tulad ng maagang pangangampanya kung saan ang iba sa kanila ay namimigay ng pagkain at bagay kahit na ipinagbabawal ito.
Sa datos pa ng COMELEC, nasa 202 ang posible pang kasuhan habang nasa 4,405 na mga show cause order ang ipinadala ng COMELEC sa mga kandidato na nakitaan ng paglabag.
Sa nasabing bilang ng inihaing show cause order, 865 ang nakasagot at nakapagpaliwanag na sa COMELEC kung saan 287 ang ibinasura dahil sa walang sapat ebidensiya.