Aabot na sa 213 ang bilang ng mga kandidatong nagsumite ng kanilang certificate of candidacy sa COMELEC simula pa noong Oktubre 4, 2021.
Isang daan at anim dito ay tatakbong kagawad sa bawat munisipalidad habang sampu naman sa pagka Bise Alkalde at labing apat sa pagka-alkalde, limang sangguniang panlalawigan at apat na kongresista sa bawat distrito ng Pangasinan at isa naman sa pagka gobernador na kung saan isa itong retiradong pulis.
Saad ng Commission on Elections o COMELEC sa loob ng apat na araw ng pagsumite ng coc ay wala pa silang naitatalang anumang kaguluhan maging ang PNP rin.
Patuloy naman ang paghikayat ng dalawang ahensya na maging mapanuri sa pagsusumite at sundin ang ipinatutupad na minimum public health standards.
Samantala, kinokonsidera naman ng PANGPPO at COMELEC provincial na generally peaceful ang nakaraang apat na araw na pagsusumite ng coc ng mga tatakbong kandidato.