Umaabot sa 40 na mga nagsumite ng kandidatura sa pagka-senador ang dinisqualified ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, posible maiba pa ang nasabing bilang dahil ang ilan dito ay naka-apela pa.
Aniya, karamihan sa mga diskwalipikado ay iyung mga nuisance o panggulong kandidato lamang.
Paliwanag ni Jimenez, pangunahin nilang tinitingnan sa kanilang ginawang evaluation ay kung may kakayahan ba na magsagawa ng isang nationwide campaign ang isang kandidato sa isang national position tulad ng pagka-senador.
Tumanggi naman si Jimenez na isapubliko ang pangalan ng mga nadiskwalipika sa senatorial listing.
Sa ikatlong linggo ng Enero nakatakdang ilabas ng Comelec ang opisyal na listahan ng mga kandidato sa pagka-senador na susundan naman ng pag-imprenta sa mga balota.