
Nadagdagan pa ang bilang ng mga kanseladong biyahe para sa domestic at international flights ngayong araw.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), dahilan pa rin ito ng masamang panahon na epekto ng Super Typhoon Nando, Habagat at ng binabantayang Low Pressure Area (LPA).
Sa inilabas na report ng ahensya, 40 flight ang apektado kung saan 35 ang kanselado at 5 ang na-divert.
Kabilang sa mga airline company na nagkansela ng biyahe ang Cebu Pacific Air, Philippine Airlines, CebGo, PAL Express, AirAsia Philippines at AirSWIFT.
Narito ang mga kanseladong flight: El Nido–Busuanga, Busuanga–El Nido, Manila–Laoag, Laoag–Manila, Manila–Basco, Clark–Basco, Manila–Tuguegarao, Manila–Laoag, Manila–Basco, Manila–Taipei, Busuanga–Manila, Busuanga–El Nido.
Samantala, diverted naman ang biyahe ng Dumaguete–Manila at Kalibo–Manila.
Tiniyak ng CAAP na walang naitalang pinsala sa mga paliparan sa Northern Luzon sa kabila ng paghagupit ni Bagyong Nando.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng CAAP ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa airlines kung may mga pagbabago sa schedule ng kanilang flight ngayong araw.









