Bilang ng mga Karaniwang Sakit sa City of Ilagan, Tumaas!

Ilagan City, Isabela- Tumaas ang naitatalang bilang ng mga nagkakasakit ngayong 1st kwarter ng taon sa City of Ilagan.

Pangunahin sa mga sakit na nasa talaan ng City Health Office ay ang Hypertension, lagnat, ubo at sipon.

Sa ngayon ay nasa mahigit kumulang siyam na raan ang naitala ng City health office sa mga nagkaka-ubo, nagkakalagnat at nagkakasipon at karamihan sa mga ito ay mga bata.


Nasa mahigit kumulang dalawang daan naman ang naitala sa mga inaatake ng hypertension.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Justine Joy Baltazar, Administrative Assistant II ng City Health Office, ang pagtaas umano ng ganitong bilang ng mga nagkakasakit ay sanhi ng pabago-bagong panahon, maruming kapaligiran at maging sa pang araw-araw na kinakain.

Dahil dito ipinayo ni ginang Baltazar na panatilihin lamang ang kalinisan sa paligid at katawan at kumain ng mga masusustansyang pagkain upang makaiwas sa ganitong uri ng karamdaman.

Facebook Comments