Bilang ng mga kasong may kaugnayan sa cybercrime, bumaba ayon sa PNP-ACG

Batay sa inilabas na ulat ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (ACG), bumaba ng 29.9% ang bilang ng mga inireklamong kaso ng cybercrime.

Ayon kay acting ACG Director Police Brig. General Ronnie Francis Cariaga, ang datos ay mula ika-1 ng Enero hanggang ika-9 ng Mayo ng taong ito kung saan 6,151 na reklamo ang naitala, kumpara sa 8,775 na bilang ng reklamo sa parehong mga buwan nang nakaraang taon.

Ang mga cybercrime-related cases na may pinakamalaking ibinaba ay ang online selling scam, investment scam, at phishing scam.


Saad ni Cariaga, ang pagbaba ay indikasyon ng progreso sa pagtugon sa mga “digital threat” at sa pagpapatupad ng “cybersecurity measures” ng mga negosyo at pamahalaan.

Facebook Comments