Tumaas ng 44 percent ang bilang ng mga negosyanteng nahuli ng National Food Authority (NFA) dahil sa rice hoarding.
Sa tala ng NFA – umabot sa 8,826 na mga rice traders ang kinasuhan ng ahensya ngayong taon kumpara sa 6,128 sa kaparehong panahon noong 2017.
Nasa higit sampung milyong piso naman ang nakuhang multa mula sa mga violator.
Paliwanag ni NFA Administrator Tomas Escarez – resulta ito ng mas pinahigpit na pag-iinspeksyon ng ahensya sa 168,140 establisyimento ngayong taon.
Bukod sa rice hoarding, pinagmulta din nila ang mga nahuling nagbebenta ng NFA rice sa mataas na halaga.
Samantala, sa pagpasok ng bagong taon, umaasa si Escarez na mas mapapababa pa ang presyo ng bigas dahil sa pagpasok ng mga imported rice.
Pero paglilinaw ng opisyal, prayoridad pa rin ng NFA ang pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka.