Bilang ng mga kontratistang iniimbestigahan ng COMELEC, umakyat na sa 31

Umakyat na sa 31 ang mga contractor na iniimbestigahan ng Commission on Elections o Comelec na nagbigay ng donasyon sa mga kandidato noong 2022 elections.

Sinabi ito ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia sa budget hearing ng House Committee on Appropriations para sa proposed 2026 National Budget.

Ayon kay Garcia, nagpapatuloy ang review dito ng Comelec Political Finance and Affairs Department sa pamamagitan ng pagrepaso sa isinumiteng Statement of Contributions and Expenditures ng mga kandidato.

Tumanggi naman si Garcia na ilabas muna ang pangalan ng mga kontratista dahil kailangan muna nilang iberepika sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kung mayroong nakuhang kontrata ang mga ito sa gobyerno sa panahon ng paghahain ng Certificate of Candidacy o COC ng mga kandidato.

Facebook Comments