Nilinaw ng Department of Health (DOH) na 33 lang ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa at hindi 35.
Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire – mula sa 24 na naiulat kahapon, nadagdagan ito ng siyam na panibagong kaso habang ang dalawa ay inulit ang pagsusuri.
Aniya, ang mga ika-21 hanggang ika-24 na pasyente ay stable ang kondisyon habang ang 25 hanggang 26 pasyente ay asymptomatic.
Patuloy naman aniya ang kanilang beripikasyon sa mga pasyenteng ika-27 hanggang 33.
Maliban dito, stable naman aniya ang kondisyon ng pang-apat, lima, siyam at ika-sampung kaso sa bansa.
Aminado naman si vergeire na isa sa mga posibleng dahilan kung bakit sa metro manila naitatala ang karamihan sa COVID-19 cases sa bansa ay dahil nasa National Capital Region (NCR) ang karamihan sa mga Port of Entry sa bansa.