BILANG NG MGA KUMUKUHA AT NAGRE-RENEW NG LISENSYA, BUMABA NG HALOS 40 % AYON SA LTO

Bumaba ng halos 40% ang naitatala ng pamunuan ng Land Transportation Office San Carlos City District Office sa mga indibidwal na kumukuha at nag-rerenew ng kabilang lisensya ito ay dahil pa rin umano sa nararanasang pandemya.

Sinabi ni LTO Chief ng San Carlos na si Allan Glor na malaking porsyento ang nakitang pagbaba dito dahil sa marami ang apektado ng mga nagdaang lockdown.

Hindi din umano nakitaan ng pagtaas ang bilang kung ikukumpara noong taong 2019 kahit pa sa panahon ngayon ay limitado ang transportasyon.


Dagdag pa nito, pasanin din para sa iba ang dagdag na mga dokumento at requirements tulad ng pag-require ng driving schools na maituturing na dagdag gastos.

Samantala, naniniwala naman ito na ang pag-require sa mga aplikante ng drivers license ay sinisiguro lamang umano ang kaligtasan ng mga indibidwal habang nasa lansangan.

Facebook Comments