Bilang ng mga kumukuha ng fare matrix sa LTFRB, wala pa sa dalawampu

Wala pa sa dalawampu ang kumukuha ng aplikasyon para sa fare matrix mula sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa LTFRB, sa ngayon ay nasa limang jeepney at anim na taxi operators pa lang ang nag-asikaso ng aplikasyon para kumuha ng nasabing dokumento.

Nabatid na binuksan ng ahensya kahapon ang aplikasyon para sa pagkuha ng fare matrix na kailangan ng mga driver ng pampublikong sasakyan para makapaningil ng dagdag-pasahe sa mga pasahero.


Ang nasabing aplikasyon ay may kaukulang bayad na aabot sa 500 pesos.

Magiging epektibo ang taas-pasahe sa Traditional at Modern Public Utility Jeepneys (PUJs), Public Utility Buses (PUBs), taxi, at Transport Network Vehicle Service (TNVS) simula sa Oktubre 3.

Facebook Comments