Aabot na lamang sa 15 lugar sa Metro Manila ang isinailalim sa granular lockdown base sa datos ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay mas mababa ng 50 percent kumpara sa 30 lugar na naitala noong ibaba sa Alert Level 2 ang naturang rehiyon noong November 5.
Sa naturang bilang, pito rito ang matatagpuan sa Quezon City habang ang anim ay nasa Southern Metro Manila at ang natitirang 2 lugar naman ay matatagpuan sa Eastern Metro Manila.
Aabot sa 52 kabuuang police personnel at 48 force multipliers ang ipinakalat upang masigurong hindi kakalat ang COVID-19 sa mga lockdown area.
Facebook Comments