Bilang ng mga lokal na kandidato na nagbabayad sa NPA ng permit to campaign fees, bumaba ayon sa DILG

Naging epektibo ang banta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa mga local candidates na nagbabayad ng permit to campaign fees sa New Peopled Army kaugnay ng nalalapit na midterm  elections.

Ayon kay USec Jonathan Malaya, nakatanggap ng ulat ang DILG  na patuloy pa rin sa pangongolekta ang  CPP-NPA-NDF ng  permits to campaign.

Gayunman, ang magandang balita rito ay kung ihahambing sa nakaraang campaign period,mas bumaba ngayon ang naiuulat na mga lokal na kandidato na bumibigay sa extortion activities ng NPA.


Ani Malaya, ipagpapatuloy na imomonitor ng  DILG, AFP at PNP ang extortion activities ng NPA at mga pulitiko na supporters ng rebeldeng grupo.

Idinagdag ni  Malaya na vineverify nila kung paanong may ilang sample ballots ng nga local candidates ang nagkalat sa ilang   NPA infested .

Aniya, red flag ito para mapatunayan na  nagbayad ang mga ito  ng permit to campaign  fee.

Tiniyak ni Malaya na pagkatapos ng midteem elections kakasuhan nila ang mga local officials na ito na sumusuporta sa NPA.

 

Facebook Comments