Dalawa pang bayan sa Negros Occidental ang isinailalim na sa state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.
Sa bayan ng Isabela, pumalo na sa sampung milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa 12 Barangay dahil sa matinding tagtuyot.
Habang sa bayan ng Murcia, nasa 179 na ektarya na ng palayan ang nasira at aabot sa P8.29 Million ang danyos.
Sumampa naman sa P44.92 Million ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga palayan, maisan at taniman ng tubo sa buong probinsya ng Negros Occidental.
Samantala, sa interview ng RMN Manila kinumpirma ni NDRRMC Spokesman Edgar Posadas na nasa 30 munisipalidad, probinsya at lokal na pamahalaan na ang nagdedeklara ng state of calamity.
Tiniyak ng opisyal na tuloy-tuloy ang ginagawang cloud seeding operations ng pamahalaan para matugunan ang epekto ng El Niño.
Sa mayo, nakatakdang magpulong ang NDRRMC at iba pang ahensya ng gobyerno para isapinal ang mga plano sa muling pagbuhay sa El Niño task force.