Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar na nagdeklara ng state of calamity dahil sa oil spill sa Limay, Bataan dulot ng paglubog ng MT Terranova.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lahat ng 12 lugar kabilang ang 11 munisipyo at lungsod sa Bataan ang nagdeklara ng state of calamity.
Samantala, 7 munisipyo at 2 siyudad sa Cavite ang nagdeklara rin ng state of calamity kabilang ang Bacoor City, Cavite City, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon at Ternate.
Nananatili naman sa 25,145 ang bilang ng mga mangingisdang apektado ng oil spill partikular sa Cavite.
Kasunod nito, nagpapatuloy ang pamamahagi ng pamahalaan ng tulong sa mga apektadong mangingisda.
Facebook Comments