Umakyat na sa 103 ang bilang ng mga lugar sa bansa na nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Task Force El Niño Spokesperson at Assistant Secretary Joey Villarama, na kasama sa mga lugar na ito ang Occidental Mindoro, Antique, Sultan Kudarat, Basilan at Maguindanao del Sur.
Pumalo na rin sa higit 2.1 million ang mga indibidwal na apektado ng El Niño na karamihan ay mga magsasaka at mangingisda, at kanilang pamilya.
Habang nasa halos apat (4) na bilyong piso naman ang halaga ng pinsala ng tagtuyot sa mga taniman.
Samantala, sinabi naman ni Villarama na nasa 66,000 na ektarya ng napinsalang sakahan ay nasa 78% ang maaari pang isalba.
Facebook Comments