Bilang ng mga lugar sa bansa na walang naitatalang kaso ng COVID-19, dumami pa!

Dumami pa ang bilang ng mga lugar sa bansa na wala nang naitatalang kaso ng COVID-19.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) mula November 11 hanggang 17, nasa 520 lokal na pamahalaan na ang wala nang bagong kaso ng COVID-19.

Karamihan sa mga lugar na ito ay nasa Eastern Visayas, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Central Visayas.


Tanging ang Catanduanes na lamang sa mga rehiyon sa Pilipinas ang pasok pa rin sa Alert Level 4.

Pangunahing dahilan nito ay ang 27 kumpirmadong kaso ng Delta variant sa lalawigan na mabilis na nakakahawa.

Sa ngayon, nasa 0.37 na lamang ang reproduction rate o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa Pililipinas habang ang positivity rate sa Metro Manila ay 3%.

Kung patuloy na makikitang maganda ang datos, posibleng maibaba pa ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1 sa Disyembre o bago mag Pasko.

Facebook Comments