Bilang ng mga lumabag sa election gun ban, umabot na sa higit 3,000 – PNP

Umabot na sa higit 3,000 indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa checkpoints at Comelec gun ban.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Bernard Banac, sa nasabing bilang 32 ay mga pulis.

Aniya, nakumpiska na ang service firearmed ng mga ito maging ang personal na baril ng mga pulis na mahaharap sa kasong administratibo.


Maliban sa mga pulis, nasa 44 na lokal na opisyal din ang lumabag sa batas ng halalalan.

Karamihan aniya sa mga ito ay barangay chairman at barangay kagawad.

Facebook Comments