Bilang ng mga lumabag sa health protocols sa ilalim ng Alert Level 4, mas bumaba pa

Bumaba pa sa 2,700 ang bilang ng mga lumabag sa health protocols magmula nang isailalim ang Metro Manila sa Alert Level 4 nitong September 16.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar, maituturing na generally peaceful ang pagpapatupad ng Alert Level 4 dahil marami ang sumunod sa panuntunang ipinapatupad nito.

Ang average na 10,300 sa 30 araw na pagsailalim ng Metro Manila sa nasa Alert Level 4 ay mas mababa sa 13,000 na naitala sa 26 araw na pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).


As of October 16, nasa 82 lugar na sa bansa ang nakasailalim sa quarantine.

Facebook Comments