Bilang ng mga lumabag sa mga ordinansa sa Maynila, umabot ng higit 1,000

Umaabot sa higit 1,000 indibidwal ang nahuli ng Manila Police District (MPD) na lumabag sa mga ipinapatupad na ordinansa sa lungsod ng Maynila.

Sa datos ng MPD, pinakamarami ang hinuli na naninigarilyo sa ipinagbabawal na lugar kung saan nasa 414 ang bilang nito.

Pumapangalawa sa dami ng nahuli ay pawang mga hindi nagsusuot ng facemask na nasa 245 habang nasa 210 naman ang dinampot dahil sa walang suot na pang-itaas habang nasa labas ng kanilang bahay.


Nasa 131 ang hinuli matapos umihi sa pampublikong lugar, 24 ang dinampot dahil sa obstruction at 9 ang natikitan sa iba pang ordinansa.

Umaabot din sa 96 na menor de edad ang dinala sa presinto matapos lumabag sa curfew at ang iba sa kanila ay pinauwi na makaraang sunduin ng mga magulang kung saan ang iba ay binigyan ng warning at ang ilan ay pinagbayad ng multa dahil sa paulit-ulit na paglabag.

Facebook Comments