Bilang ng mga lumabag sa quarantine protocols, mahigit 700,000 na

Humigit na sa 700,000 indibidwal na lumabag sa quarantine protocols ang naitala ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP magmula noong August 21 hanggang September 1, kabuuan itong 746,275 indibidwal na lumabag sa umiiral na panuntunan sa ilalim ng mahigpit ng quarantine classification.

166,075 dito ay nanggaling sa National Capital Region (NCR) habang 530,743 ang naitala sa NCR Plus (kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.


Sa nasabing bilang, 600,000 ang binalaan ng PNP habang 100,000 ang pinagmulta.

Facebook Comments