Bilang ng mga lumabag sa quarantine protocols ngayong MECQ, bumaba na – PNP

Umabot sa 63,000 ang bilang ng mga lumabag sa quarantine protocols labing-limang (15) araw magmula nang ibaba sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar, 83% ng mga nahuli ay pinaalalahanan lamang ng mga otoridad.

Bumaba ang naitalang bilang kumpara noong panahon ng ECQ na nasa 43,000 kada araw ang nahuhuli.


Sa Metro Manila, kabuuang 13,000 indibidwal ang nahuling lumabag sa quarantine protocols kung saan; 61% ang binalaan, 34% ang pinagmulta at 5% ang dinala sa police stations para sa iba pang paglabag.

Facebook Comments