Umabot na sa kabuuang 274,231 quarantine violators ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa National Capital Region (NCR).
Ito ay kahit isinailalim na ang rehiyon sa Alert Level 4 with granular lockdowns.
Batay sa datos ng PNP mula September 16 hanggang October 11, nasa 10,547 ang bilang ng mga lumalabag sa quarantine kada araw.
Sa nasabing bilang; 192,000 ang lumabag sa minimum public health standards; 2,815 ang non-APORs (Authorized Persons Outside residences) at 78,517 hindi sumunod sa oras ng curfew.
Mayorya o 145,818 ng mga lumabag ang binigyan lamang ng warning, 110,750 ang pinagmulta at 17,663 ang nakatanggap ng iba pang multa.
Sa ngayon, iikot na ang curfew sa Metro Manila mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling-araw.