Umakyat pa sa 10,517 ang bilang ng mga lumikas sa lalawigan ng Batangas dahil sa muling pag-alburoto ng Bulkang Taal.
Sa nasabing bilang, 4,465 ang nasa 27 evacuation centers o katumbas ng 1,218 pamilya.
Nasa 6,000 naman ang namamalagi sa mga kaanak o nasa labas ng evacuation centers.
Sa ngayon, maigting pa rin ang ginagawang pagbabantay sa limang barangay na sakop ng danger zone.
Facebook Comments