Sumampa na sa halos 14,000 na bilang ng mga residenteng lumikas sa harap ng nagpapatuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Batangas PDRRMO head Lito Castro na karamihan sa kanila ay nasa iba’t ibang evacuation centers sa lalawigan habang may ilan din na piniling tumira muna sa mga kaanak.
Tiniyak naman ni Castro na lagi nilang iniikutan ang mga evacuation centers.
Sapat din aniya ang pondo para sa mga pangangailangan ng mga evacuees pero sakaling lumala ang pag-aalburuto ng bulkan ay magpapasaklolo sila sa national government.
“Syempre nagpapasalamat tayo sa national government sap ag-o-augment nila, maging doon sa ating mga donors coming from other government unit, from private sectors,” ani Castro.
“So, tuloy-tuloy naman despite the fact na ngayon ay may pandemic, panahon ng kagipitan pero hindi nawawala yung spirit of volunterism at yung puso na tumulong sa nangangailangan,” dagdag niya.
Samantala, limang maiikling phreatomagmatic eruptions at 58 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.