Iligan, Philippines – Mas tumaas pa ang bilang ng mga displaced person na dumating sa mga evacuation center sa lungsod ng Iligan kahapon.
Ayon sa talaan ng City Social Welfare and Development, nasa 98 na kapamilya ang nasa barangay gym ng Barangay Maria Cristina, 65 families ang nasa national school of fisheries sa Buruun at 107 na mga estudyante na galing sa MSU-Marawi na nasa evacuation center ngayon nga MSU-IIT.
Sinabi ni Ms. Perly Mantos ng CSWD na posibleng madagdagan pa ang bilang mga evacuees ngayong araw dahil sa patuloy na bakbakan ng grupo ng mga maute at mga sundalo.
Ayon kay Mantos, walang problema sa pagkain ang mga evacuees dahil sapat naman ang kanilang naihanda.
Problema nila ngayon ay mga damit, kumot, higaan at iba pa.
Namimigay na rin ng gamot ang mga doctor at nurse na itinalaga sa evacuation center para maagapan yung may mga sakit lalong-lalo na ang kabataan.
DZXL558, Ghiner Cabanday