Bilang ng mga madreng nasawi sa Religious of the Virgin Mary sa QC dahil sa COVID-19, umakyat na sa 11

Umakyat na sa 11 madre ang nasawi sa Religious of the Virgin Mary (RVM) sa Quezon City dahil sa COVID-19.

Ayon sa inilabas na pahayag ni RVM Superior General Mother Ma. Corazon Agda, isa pang madre ang namatay kaya’t sa loob lamang ng 10 araw simula noong September 13 hanggang 26 ay higit 10 na ang nalagas sa kanilang kumbento.

Ang nasabing bilang ay mula sa 100 tauhan ng RVM compound ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan 62 dito ay pawang mga madre.


Sa nasabing bilang, 38 sa mga ito nakaranas ng mild at moderate symptoms at 13 ang severe cases.

Kaugnay nito, nagpaabot naman ng panalangin ang madre sa lahat ng taong nakakaranas ng COVID-19,

Facebook Comments