Bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll para sa School Year 2022-2023, umabot na sa 5.6 milyon

Aabot na sa 5.6 milyong mag-aaral ang nakapagpa-enroll na sa unang tatlong araw ng pagbubukas ng enrollment period para sa School Year (SY) 2022-2023.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Spokesperson Atty. Michael Poa, kumpyansa ang kanilang kagawaran na makakamit nila ang 28.6 milyong enrollees para sa nabanggit na survey.

Dagdag pa ni Poa, puspusan na ang ginagawa nilang paghahanda para sa darating na pagbubukas ng klase sa August 22.


Samantala, plano ng DepEd na bawasan ang bilang ng mga mag-aaral sa loob ng classroom upang masunod ang physical distancing.

Target din ng ahensya na magkaroon ng mental wellness support sa mga mag-aaral na magta-transition na sa full face-to-face classes sa Nobyembre.

Facebook Comments