Umabot na ng mahigit 18.5 milyong mag-aaral sa buong bansa ang nagpa-enroll na sa mga private at public school para sa susunod na pasukan.
Ito ay batay sa datos ng kagawarang pang-edukasyon ng bansa kahapon.
Sa kanilang tala, ang pampublikong paaralan ng bansa ay meron nang mahigit 17.4 milyong na mag-aaral ang nagpa-enroll.
Habang ang sa private schools, kasama na ang State Universities and Colleges (SUCs) ay mayroong 818,137 na mag-aaral ang nagpa-enroll pa lang.
Pero naunang sinabi ng kalihim ng kagawaran na si Secretary Leonor Briones at ang ibang private school, at SUC sa bansa ay karamihan, Agosto na nagsisismula ang enrollment dahil sila ay mayroon autonomiya na magtakda kung kailan gagawin ang enrollment.
Ang mga grade level na mga nagpa-enroll para sa School Year 2020-2021 ay ang Kindergarten, Elementary, Junior High School, Senior High School, Learner with Disability (Non-Graded) at Alternative Learning System (ALS).
Matatandaan, pinalawig pa ng kagawaran ang enrollment deadline sa bansa hanggang sa July 15, 2020 dahil sa mababang turnout ng enrollment na ginawa noong nakaraang buwan.