Tumaas ang bilang ng mga mag-aaral sa Ilocos Region ang lumipat mula sa Public School papuntang private school ayon sa Department of Education Region 1.
Sa isang press conference, sinabi ni Leah L. Olua ang Education Program Supervisor ng Policy Planning and Research Division ng DepEd Region 1, umabot sa 20, 196 na mag-aaral para sa school year 2021-2022 mula sa public schools ang lumipat sa private schools.
Pinakamataas ang bilang ng mga mag-aaral mula sa Junior High School na mayroong 9, 473.
Mas mataas ito kumpara sa mga mag-aaral na lumipat mula sa private school papuntang public school na nasa 13, 459 lamang.
Paliwanag ni Olua, mataas ang bilang ng mga mag-aaral na lumipat sa public school noong kasagsagan ng pandemya ngunit ngayong nagluluwag na ang mga restriksyon unti-unti na rin silang bumabalik sa pribadong paaralan.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagpapatayo ng mga silid aralan sa mga paaralan sa rehiyon bilang pagtugon sa pag implementa ng mas malawak na face-to-face classes. | ifmnews
Facebook Comments