Target ng pamahalaan na maibaba sa 9% ang poverty incidence o bilang ng mga mahihirap na Pilipino sa bansa sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdidnand Marcos Jr.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, sa unang taon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nasa 25% ang poverty incidence ng bansa.
Aniya, napababa ito ni dating Pangulong Duterte sa 17% hanggang 18% bago pa tumama ang pandemya sa bansa kung kaya’t nakaranas ng bahagyang pag-atras ang pamahalaan sa sinusunod nitong framework.
Samantala, sa ilalim ng framework na binalangkas ng administrasyon ni Marcos, plano nilang mapababa sa 9% ang poverty incidence ng bansa pagdating ng 2028.
Kaugnay nito, sinabi ni Diokno na inaasahan na sa susunod na dalawang taon ay makapagtatala ng pinakamataas na growth rate ang Pilipinas kumpara sa ASEAN Plus Three countries, base pa rin sa fiscal consolidation framework ng administration.