Bilang ng mga malnourish na kabataan sa bansa, nananatili pa ring mataas

Manila, Philippines – Tinatayang aabot sa 3.8 million ang bilang ng mga bansot o maliliit na preschooler ang naitala sa bansa dahil sa kakulangan sa nutrition, ito ang sinabi ni National Nutrition Council (NNC) Deputy Director Dr. Azucena Dayanghirang.

Kasabay ng pagdiriwang ng nutrition month ngayong Hulyo, sinabi ni Azucena na base sa pinakahuli nilang survey, nasa edad 5 taon pababa ang mga naitalang bansot mula sa mga probinsya.

805 libong mga bata ang kulang sa timbang o underweight.


Habang nasa 18 milyong mga Pilipino na may edad 19 taon gulang pataas ang sobra – sobra sa timbang o obese.

Isa aniya sa dahilan ng under at overnutrition na ito ay ang kawalan ng maayos na pagkain ng mga mahihirap ng pamilya.

Bilang tugon ng NNC sa problema, naglatag na sila ng Philippine Plan Action for Nutrition para sa ‎2017-2022, kung saan makikipagugnayan sila mula sa mga LGUs hanggang sa brgy level, para sa mga programang kanilang isasagawa kabilang ang mga feeding program.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments