Tinatayang aabot sa 50% ang maaaring matanggal sa listahan ng mga Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) sa buong Region 1.
Ayon kay Marie Angela S. Gopalan, ang Regional Director ng DSWD Region 1, sa kanilang pagtataya ay tinitignan nila na maaaring matanggal ang naturang bilang ng benepisyaryo dahil sa hindi na qualified ang ilan sa naturang programa.
Dagdag pa nito bagamat hindi pa sigurado ang nasabing bilang, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay napag-alaman na may ilan na sa mga ito ang maaari nang mawala dahil sa ilang kadahilanan; overage na at wala nang nag-aaral na mga anak, umangat na ang antas na ng pamumuhay, at may ilan ang nag-wave sa kanilang inklusyon sa nabanggit na programa dahil alam na nilang tumayo para maiangat ang kanilang buhay.
Sa ngayon ay binilisan pa at mas mapapalalim pa ng kanilang programa na ma-verify ang mga bagong makwa-qualify at sa mga maari nang matanggal sa listahan. |ifmnews
Facebook Comments