Bilang ng mga medical frontliners na tinatamaan ng COVID-19, bumababa na ayon sa PHAP

Nababawasan na ang bilang ng mga medical frontliners na tinatamaan ng COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila kay Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAP) President Dr. Rustico Jimenez, sinabi nito na bukod sa mga COVID-19 patients, prayoridad din nila ang kalusugan ng mga health workers.

Kabilang sa mga hakbang ng PHAP upang mapababa ang kaso ng mga medical staff na tinatamaan ng COVID-19 ay ang sapat na pahinga para sa mga ito tulad ng mahabang day-off.


Inihayag din ni jimenez na dumarami na rin ang mga PPEs o personal protective equipments na ginagamit ng mga doktor at nurse.

Sa ngayon ay umabot na sa 1,045 ang bilang ng mga medical frontliners na nagpositibo sa COVID-19 kung saan 464 ay mga doktor at 470 ay mga nurse.

Samantala, umabot naman na sa 1,101 ang COVID-19 referral hospitals sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), nangangahulugan ito na bawat rehiyon ay mayroon nang at least isang COVID-19 referral hospital.

Facebook Comments