Dagupan City – Sa botong 146-34 ng mababang kapulungan naisapinal na sa huling pagbasa ang mga probisyon na nakapaloob sa House Bill 8858, na naglalayong amendahan ang Republic Act 9344 ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, kung saan ang dating 15 anyos na pasok sa criminal liability ay gagawing edad 12.
Sa panayam ng KBP Pangasinan Chapter kay PS/Ins. Ria Tacdaran ang tagapagsalita ng Pangasinan Provincial Police Office, wala itong nakikita problema sa nasabing panukala lalo ngayong aminado itong tumataas ang bilang ng mga menor de edad na nasasangkot sa krimen sa lalawigan. Sa datos na ibinahagi nito nasa kabuoang bilang ng mga CICL o Children In-Conflict with the Law sa probinsya mula 232 CICL cases noong 2016 umakyat ito sa 265 noon nakaraang taon at 198 dito ang sangkot ay nasa edad 6 pataas. Pinakamataas ang petty theft at rape samantalang ang sangkot sa ilegal na droga ay nasa 28.
Kung kaya’t nagsasagawa ng outreach program ang kapulisan katuwang ang dswd para sa mga kabataan lalo na sa mga magulang upang gawing mas responble ang mga ito pagdating sa kanilang mga anak. Samantala handa naman ang PNP Pangasinan sa pagpapatupad ng House Bill 8858 sakaling tuluyan na itong maging batas ngunit umaapela naman ang Social Welfare Officers ng Pangasinan na nawa’y magkaroon ng malaking Bahay Pag-Asa Center ang lalawigan bilang paghahanda ng kanilang hanay sa pag-cater ng lumulubong menor de edad na sangkot sa mga krimen.
*Ulat ni Henessy Camilo, UL Mass Communication Student * *Photo-credited to PIA Pangasinan*
[image: 51276855_2411230005766720_7248981197290733568_o.jpg]
Bilang ng mga menor de edad na sangkot sa mga krimen sa Pangasinan kinakabahala!
Facebook Comments