Dumarami na ang bilang ng mga motorsiklo sa kalsada.
Sa datos ng Land Transportation Office (LTO) mula nitong Oktubre 2019, aabot na sa 7.23 million ang bilang ng mga rehistradong motorsiklo sa buong bansa.
Mas marami na rin ang bumibili nito kumpara sa mga sasakyang may apat na gulong.
Nitong nakaraang taon, higit dalawang milyong bagong motorsiklo nakarehistro kumpara sa higit 300,000 sasakyan
Ayon kay LTO Assistant Secretary Edgar Galvante – umaasa ang LTO na panandalian lamang ang pamamayagpag ng mga motorsiklo sa kalsada.
Sa ngayon, maghihigpit ang LTO sa pagbibigay ng lisensya sa mga nais magmaneho ng motorsiklo.
Sa datos ng World Health Organization (WHO), ang aksidente sa motorsiklo pa rin ang numero unong dahilan ng pagkamatay sa kalye.
Facebook Comments