Manila, Philippines – Umabot na sa 47 mga terorostang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang na-neutralize sa magkakasunod na operasyon ng militar sa Central Mindanao.
Ayon kay Major General Carlito Galvez Jr, commander ng Wentern Mindanao command – 21 ang napatay habang 26 ang sugatan sa isinagawang airstrike at ground combat operations ng mga sundalo ng Joint Task Force Central.
Simula ito noong March 13 hanggang March 16 partikular sa Barangay Tee, Datu Salibo, Maguindanao.
Narekober din sa lugar ang iba’t ibang uri ng pampasabog at mga manual kung paano gumawa ng bomba.
Target ng nasabing offensive operation ang grupo ng foreign terrorist na si Muhammad Ali Bin Abdulrahman alyas “Muawiyah.”
Gayundin ang mga kasama nitong local terrorist na sina Salahuddin Hassan at Esmael Adbulmalik alyas “Abu Toraype” na founder umano ng Dawla Islamiyah Maguindanao at nagsisilbing BIFF brigade commander.
Ayon kay Galvez, bineperipika pa nila ang report na kasama sa mga napatay ang mga nabanggit na terorista.