Umaabot na lamang sa 31 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na na-stranded sa ilang pantalan sa Southern Tagalog.
Ito’y dahil pa rin sa lakas ng ulan na nararanasan bunsod ng habagat na pinalakas pa ng Bagyong Egay kahit pa nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa datos pa ng PCG, stranded din ang 18 rolling cargoes, 19 vessels at 25 motorbancas habang nakasilong naman sa ligtas na lugar ang 15 vessels at 57 na motorbancas.
Nabatid na mula pa kagabi ay unti-unti ng pinapayagan ang pagbiyahe ng mga barko pero nililimitahan naman ang paglalayag ng mga motorbanca dahil na rin sa lakas ng alon na nararanasan.
Patuloy na naka-monitor at nakahanda ang PCG sa ibang mga pantalan gayundin sa mga biyahe nito.
Facebook Comments