Bilang ng mga naapektuhan ng bagyo at habagat, pumalo na sa 3.3 milyon!

Lumobo pa sa 3.3 milyon ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng bagyo at malawakang pagbaha mula sa 16 na rehiyon sa bansa.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), katumbas ito ng 905,086 mga pamilya.

Pinakamaraming residente na naapektuhan ay mula sa Region 3 o Central Luzon na umabot sa 2.1 milyong indibidwal.


Sa kasalukuyan, nasa 252,166 indibidwal o 64,520 pamilya ang nananatili sa 1,236 evacuation centers.

Samantala, nasa ₱114 milyon na ang tulong na naipamahagi ng pamahalaan para sa mga apektadong pamilya.

Facebook Comments