Bilang ng mga naapektuhan ng Bagyong Aghon, sumampa na sa mahigit 30,000 indibidwal

Nadagdagan pa ang bilang ng mga apektado dahil sa pananalasa ng Bagyong Aghon.

Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 12,436 na pamilya o katumbas ng 36,143 mga inidbidwal ang apektado ng bagyo.

Mula ito sa 268 na barangay sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 7, Region 8 at National Capital Region.


Sa naturang bilang 4, 076 na pamilya o katumbas ng 16, 426 ang mga nanunuluyan pansamantala sa mga evaucation centers habang ang nasa mahigit 5,000 katao na apektado ay mas piniling manatili sa kani-kanilang mga tahanan.

Sa datos pa ng NDRRMC, isa ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo at isa rin ang kumpirmadong nasaktan habang ang pitong injured ay patuloy pang beneberipika.

Facebook Comments