Lumobo pa sa tatlong milyon ang bilang ng mga naapektuhan ng Bagyong Egay at Habagat sa bansa.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, katumbas ito ng 830,382 na pamilya mula sa Regions I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VI, VII, VIII, XI, XII, at CAR.
Paliwanag pa ng DSWD nasa 9,905 na pamilya o 35,730 na indibidwal ang namamalagi sa 484 na evacuation center sa bansa.
Aaabot naman sa 48,525 na pamilya o katumbas ng 173,563 na indibidwal ang nasa labas ng evacuation centers o namamalagi sa kanilang kaanak.
Umaabot na sa 3,513 na bahay ang nasira habang 57,979 bahagyang nasirang mga bahay
Sa kabuuan ay aabot na sa kabuuang ₱250-M ang halaga ng humanitarian assistance na naipagkaloob ng DSWD sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Facebook Comments