Mula sa mahigit 142,000 kagabi, lumobo pa sa 153, 643 ang bilang ng mga indibidwal na apektado ngayon ng pananalasa ng Bagyong Nika.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), katumbas ito ng 36, 788 pamilya mula sa Regions 1, 2, 3, 5 at Cordillera Administrative Region.
Nasa 4,593 pamilya o 14, 971 katao ang pansamantalang nanunuluyan ngayon sa 246 na mga evacuation center sa mga nabanggit na rehiyon.
Samantala, maraming tulay at kalsada pa rin ang hindi madaanan ng mga motorista partikular na sa Region 2 dahil parin sa epekto ng bagyo.
Samantala, nasa 25 lugar din sa rehiyon ang nananatiling walang kuryente.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang monitoring at assesssment ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) sa mga apektadong rehiyon.