BILANG NG MGA NAAPEKTUHAN NG BAGYONG NIKA SA ISABELA, UMAKYAT NA SA 22,000

Cauayan City – Umakyat na sa higit 22,000 na indibidwal ang bilang nga mga evacuees sa buong lalawigan ng Isabela dahil sa naranasang epekto ng bagyong Nika.

Sa pinakahuling ulat ng Provincial Social Welfare and Development Office, 7, 207 na pamilya na binubuo ng 22,240 na mga indibidwal mula sa iba’t-ibang bayan sa Isabela ang kasalukuyang namamalagi ngayon sa mga evacuation centers matapos na maapektuhan ng hagupit ng bagyong Nika.

Batay sa Disaster Operations Monitoring Report ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang mga evacuees ay mula sa 2 siyudad at 30 bayan sa buong lalawigan.


Pinakamaraming bilang ng evacuees na naitala ay mula sa bayan ng Angadanan, Isabela kung saan 735 na pamilya na binubuo ng 2,401 na indibidwal ang apektado.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang monitoring at pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa mga LGU’s upang matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng inilikas.

Facebook Comments