Bilang ng mga naapektuhan ng bagyong Usman, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang bagyong Usman.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) – umakyat na sa 150,877 pamilya o 765,777 na indibidwal ang naapektuhan mula sa 952 barangay sa CALABARZON, MIMAROPA, Region 5 at Region 8.

Sa kabuuang bilang, 19,825 na pamilya ang nasa mga evacuation center pa rin.


Nasa 126 naman ang nasawi sa pananalasa ng bagyo, 75 ang nasugatan habang 26 ang nawawala.

Samantala, pumalo sa mahigit 4.2-billion pesos ang kabuuang pinsala ng bagyong usman kung saan kabilang rito ang P948,693,776 na danyos sa agrikultura at P3,300,704,500 sa imprastraktura.

Facebook Comments