Bilang ng mga naapektuhan ng Bagyong Uwan, pumalo na sa mahigit 2-M

Pumalo na sa 2,761,085 na inidibidwal o katumbas ng 779,614 na pamilya ang naapektuhan bunsod ng pananalasa ng Bagyong Uwan sa bansa ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa huling ulat ng DSWD-Disaster Management Response, ang nasabing bilang ay mula sa mga rehiyon kabilang ang Bicol, CALABARZON, at MIMAROPA.

Kung saan mahigit isang milyong katao o 320,694 na indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers.

Habang 351,755 individuals o 102,684 families ang nakikituloy sa kanilang mga kaibigan o kaanak.

Kaugnay nito, nasa mahigit 57 million pesos na ang naipadalang humanitarian assistance ng DSWD sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo.

Facebook Comments