
Pumalo na sa 298,986 na indibidwal o katumbas ng 90,723 na pamilya ang naitalang naapektuhan ng Bagyong Wilma ay nararanasang shearline sa bansa ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nagmula ang bilang sa mga rehiyon na nakaranas ng naturang kalamidad partikular na ang Region 4A, 5, 6, Negros Island Region, 7, 8, 10, at CARAGA.
Sa huling inilabas na ulat ng DSWD-Disaster Response Management, 3,443 pamilya o mahigit sampung libong indibidwal ang kasaluluyang nananatili sa mga evacuations center.
Habang 475 na katao o 131 na pamilya ang nasa labas ng evacuation kung saan nakikituloy sila sa kanilang mga kaanak o kaibigan.
Umabot na sa ₱3.04 milyon ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi ng DSWD sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.









