Bilang ng mga naapektuhan ng LPA, nadagdagan pa—DSWD

 

Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development na nadagdagan pa ang bilang ng mga naapektuhan ng through ng Low Pressure Area (LPA) sa Mindanao.

Base sa talaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), umakyat na sa 1.4 million na indibidwal o katumbas ng 411,320 na pamilya ang naapektuhan ng LPA sa sampung mga lalawigan.

Kabilang umano dito ang Maguindanao del Sur, North Cotabato, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, Agusan del Norte, Agusan del Sur at Surigao del Sur.


Paliwanag pa ng DSWD na nasa 10,271 na pamilya o katumbas ng 40,050 naman na indibidwal ang namamalagi sa 159 na evacuation centers.

Habang nasa 74,561 naman na pamilya o katumbas ng 281,382 na indibidwal na namalagi sa kani-kanilang mga kamag-anak.

Aabot naman sa 557 na ang napinsalang mga bahay, habang umaabot sa 787 naman ang bahagyang napinsala.

Sa kabuuan, umaabot na sa ₱167 million na halaga ng humanitarian assistance mula sa DSWD at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa mga taga-Mindanao.

Facebook Comments