Bilang ng mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon, pumalo na sa 25,605 na indibidwal

Pumalo na sa 25,605 indibidwal ang bilang ng mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katumbas ito ng 7,400 families.

Ang mga apektado ay mula sa Bago City, Lacarlorta City, Fontebedra, Lacasteliana, Moises padilla at Canlaon City.


Habang ang 1,400 indibidwal o 361 pamilya ay namamalagi sa 8 evacuation center.

Pansamantala namang nanunuluyan sa kanilang mga kaanak ang nasa 364 individuals o 62 families.

Aabot na sa ₱2.4 milyon na halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi na ng DSWD sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Facebook Comments