
Umaabot sa 29,438 na pamilya o katumbas ng mahigit 103,000 indibidwal ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng habagat at low pressure area (LPA).
Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga naapektuhan ay mula sa Cagayan Valley, Gitnang Luzon, National Capital Region (NCR) at Western Visayas.
Sa nasabing bilang nasa higit 1,000 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 9 na evacuation centers sa mga apektadong rehiyon.
Sa ngayon, may mangilan-ngilang kalsada parin sa Regions 2, 3 at 6 ang lubog parin sa baha.
Samantala, nasa 15 kabahayan ang winasak na sama ng panahon kung saan 10 ang partially damaged habang 5 ang totally damaged.
Kaugnay nito, nasa P1.3M na halaga ng ayuda ang naipagkaloob ng pamahalaan sa mga apektadong residente.









