Bilang ng mga naapektuhan ng sunud-sunod na lindol sa Mindanao, umakyat na sa 30,000

Nasa 29, 349 na pamilya o katumbas ng 146,745 na indibiduwal ang apektado na ng mag-kakasunod na lindol sa Mindanao.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, nagmula ito sa 149 na mga Barangay sa Regions 11 at 12.

Mula sa nasabing bilang, nasa 4,127 pamilya o katumbas ng 146,745 indibiduwal ang kasalukuyang nanunuluyan sa may 27 evacuation centers.


Sumipa naman sa 28,222 mga imprastraktura ang napinsala dahil sa naranasang mga Lindol.

Pinakamarami sa mga ito ay mga kabahayan na sinundan naman ng mga Paaralan, mga Health Facilities, iba pang pampublikong mga istruktura, simbahan, establisyemento, kalsada at tulay.

Facebook Comments